Magnitude 6.4 na lindol, tumama sa Davao Occidental; klase sa GenSan, suspendido
Tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental alas-4:07 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 8, ayon sa PHIVOLCS, batay sa ulat ng GMA News. Nasa 42 kilometro timog-kanluran ito ng Balut Island sa bayan ng Sarangani. Intensity IV ang naitala sa General Santos City at ilang bahagi ng Sarangani province, South Cotabato at Sultan Kudarat. Walang inaasahang pinsala pero posible ang aftershocks. Sinuspinde ng GenSan ang klase at trabaho sa pamahalaang lungsod.