244 POGO worker na 'karamiha'y Chinese,' inaresto sa Zamboanga Sibugay
Inaresto ang 244 dayuhang POGO worker na "karamiha'y Chinese" matapos salakayin ng mga awtoridad ang dalawang lugar sa Zamboanga Sibugay, ayon sa GMA News at Philstar. Sinabi ng Bureau of Immigration na ito ang pinakamalaking crackdown sa bansa laban sa mga ilegal na online gaming operator ngayong taon, ayon sa GMA News. Humigit-kumulang 3,000 cellphone ang nakumpiska, ayon sa Philstar.